Lahat ng gusto mong libro. Mababasa o mapapakinggan. Nasaan ka man.
Tuklasin ang isang mundo ng mga kuwento sa pamamagitan ng Google Play Books! Mag-explore ng milyon-milyong ebook, audiobook, comics, at manga — lahat sa iisang appp.
Mga Pangunahing Feature:
• Ang library mo, kahit saan: Mag-enjoy sa mga libro sa iyong telepono, tablet, computer, o kahit sa kotse mo gamit ang Android Auto. Dagdag pa rito, makakapag-download ka ng mga librong puwede mong basahin offline.
• Makakuha ng Google Play Points: Makakuha ng reward na Play Points kapag bumili ka ng mga libro. Tandaan: Magkakaiba ang availability, mga level ng award, at mga rate ng multiplier ng Play Points depende sa bansa. Hindi available ang Play Points sa lahat ng bansa.
• Mag-ayos gamit ang mga shelf: I-personalize ang digital library mo gamit ang mga custom na shelf para ikategorya ang iyong mga libro ayon sa genre, may-akda, o anumang temang gusto mo.
• Mga smart na tala: Magsulat ng mga talang nagsi-sync sa iyong Google Drive at maibabahagi para sa madaling pakikipag-collaborate.
• Hindi kailangan ng subscription: Bilhin lang ang mga librong gusto mo, kapag gusto mo ang mga ito.
• Mga pambatang tool: Hayaan ang mga bata na mag-explore ng mga kahulugan ng salita at makinig nang malakas sa mga libro. Tandaan: Sa wikang English lang available ang mga tool sa pagsasanay sa pagbabasa.
• Immersive na comics: Subukan ang Bubble Zoom para sa espesyal na experience sa pagbabasa ng comics at manga.
• I-preview bago mo bilhin: Tumingin ng mga sample para matiyak na ito ang perpektong libro para sa iyo.
• Hands–free na pagbabasa: Kontrolin ang audiobook mo gamit ang iyong boses gamit ang Google Assistant.
• Magbasa sa gusto mong paraan: I-customize ang iyong experience sa pagbabasa sa pamamagitan ng pag-adjust sa font, laki ng text, brightness, at higit pa.
Milyon-milyong kuwento ang naghihintay sa Google Play Books! I-download na at magsimulang magbasa.
Na-update noong
Peb 4, 2025